TuneList - Make your site Live

Monday, September 25, 2017

On life: Bakit nakakamiss ang problema ng nakaraan?

     Bakit nakakamiss ang problema ng nakaraan?

     Malamang kasi simple lang iniisip mo dati. Hindi ka pa nag-iisip ng problema ng mga matatanda. Problema na ng henerasyon ngayon drugs, human rights, rally, kilay, etcetera. Ang sarap bumalik sa panahon na wala pa tayong pakialam sa mundo, kaya masarap balikan ang nakaraan (oy ha may good things din naman sa past para sa mga hugotera dyan). Kaya narito ang mga posibleng sagot:


1) Nakakamiss kasi yung mga panahon na GTech lang problema mo.


--Noong high school ako, sumikat ng bongga ang Pilot GTech. Hindi ko alam bakit bentang-benta yun sa mga kaklase ko dati, eh 70 pesos ang isa non. Iniiyakan nila 'yon, aba! Kesyo mahal daw or natanggalan ng ballpoint kapag nahulog. Payabangan pa sila dati, bago humiram. 'Fine tech yung ba 'yan?', '.3 yung sakin, yung sayo?' chuchu. Minsan, 'di pa nga nagpapahiram mga 'yan, eh! Kapag nawala o nasira ni classmate, nagbabanta pa yan na palitan. Eh? Bilang high school student, mahal na ang 70 pesos. Ako, never ako nag-atim na magkaroon ng GTech dati, 'di naman ako kahanay ng rich kids kong kaklase dati. Bilang bata, dati ang tingin kong batayan sa estado ng buhay sa klase ay mayaman ka kung kaya mong maka-afford ng GTech. Masaya na 'ko sa Panda at HBW. Fine tech fine tech na 'yan, piste. Pag nahulog, sayang 70 pesos. Okay pa ko sa tigli-limang pisong ballpen, pag nahulog buhay pa. Hanggang next school year pwede pa.


2) Nakakamiss yung mga panahong gusto mo lang matalo si classmate sa Temple Run.


--High school nang mauso ang Temple Run na 'yan. Nung time na yun, alien pa ang iPhone at hindi pa nabebenta sa Quiapo o sa Odeon sa Recto. Ilan lang sa mga kaklase ko may iPhone (at sila rin yung may mga GTech). Minsan nakikilaro lang ako sa kanila kasi Nokia lang phone ko, Tower Bloxx at Rayman Adventures lang ang laro bukod sa Snakes. Medyo nakaka-istorbo sa klase kasi maba-bother ka sa kaiisip paano mo tatalunin yung kalaro mo na naka-1 million na. Dati kasi, kapag naka-1 million o higit ka na sa Temple Run, legend ka na. Hindi ko matandaan kung naging legend ako sa Temple Run. Naging legend lang ako sa Snakes. Problema talaga ang Temple Run dati. Ngayon, busy na mga kabataan sa Garena.


3) Nakakamiss kasi yung hindi ka makapag-GM kasi wala kang load.


--Noong nawala ang pasahan ng papel na may message sa loob, nauso ang GM o group message. Nandyan yung mga kaklase mong mahilig mag-GM ng quotes at mga banat. Daming Neneng B sa amin dati, tsaka hindi pa uso ang word na 'hugot'. Isa rin itong way para makahanap ka ng ka-text na kaklase o gumagawa ng pekeng GM para mapansin ni crush. Group message raw pero sa isang tao lang pinadala. Kapag Pasko na, excited na ang lahat kasi babati na mga kaklase mo ng group message na 'Merry Christmas! -gm. 14 <3 :">'. Laking problema naman ng iba na hindi pa nakakapag-register sa UNLITEXT20 nakapag-GM na. Papa-load ulit. Parang requirement dati ang pag-GM. Kapag nakapag-GM ka, ibig sabihin, 'in' ka.


4) Nakakamiss kasi yung project niyo na mga kahoy.
--Sa TLE o HELE marami 'yan. Gawa-gawa kayo basket, ganon. Yung kailangan pang i-assemble tapos within one week kailangan tapos na. Dito rin siguro nauso yung negosyo ng ibang masisipag na estudyante. May presyuhan na noon ha! Yung iba 100 maningil, nangangako within 24 hours taoos na. Kupal yung iba eh, downpayment pa 50 muna. Kapag natapos, another 50. Di naman ako nakaranas ng ganyan. Sariling sikap ako at wala namang nagpagawa sa'kin. Ayoko kasing umasa yang mga puñeta kong kaklase na mga batugan. HAHAHAHA! Pag di ka naka-submit on time ng mga kahoy-kahoy niyo, problema yan. 


5) Nakakamiss yung problema mo kung sino magiging katabi mo sa bus pag field trip.


--Doon muna tayo sa problema mo kung paano ka papayagan sa field trip. Syempre OP ka kapag di pinayagan. (Nauso rin pala ang word na OP taong 2009 which means 'other people/person'.) Nandyan yung mga waiver, etcetera. So, kung pinayagan ka na, problema na ngayon kung sino na ang iyong katabi. Ito ang usual na problema ng magbabarkada na ang kabuuang bilang ay odd numbers (ex. 3,5,7...). Bakit? Dahil tigda-dalawa lang ang mga upuan sa field trip bus. So kung tatlo kayo, kawawa ang isa. Either sa likod siya or sa gitna uupo (kung may upuan sa gitna na de-tiklop). At nga pala, malaki ang tsansa niya na makatabi niya ang uhugin sa klase niyo. Minsan, problema rin ng mga estudyante kapag nilagyan ni teacher ng seating arrangment sa bus para maiwasan daw ang ingay. Tsaka ihabol ko na rin yung isa pang problema dati na nakakamiss talaga. Yung ubos na yung baon mo pero di pa nakakaalis yung bus kasi yung mga buraot mong kaklase nagbubukasan na ng baon. Syempre pag jumoin ka, magbukas ka rin ng share mo.

     Ngayong nasa 'adulting' stage na ang mga batang 90s, alam ko hindi lang ako ang gusto ulit makaranas ng mga ganitong klase ng problema. :( 


QUESTION ANSWERED!

Monday, May 1, 2017

On work: Anong klaseng empleyado ka?

       Kung merong estudyante blues, meron din namang empleyado blues. Kagaya ng classroom, marami rin sa loob ng opisina ang kwela, epal at mga halaman lamang. Alam niyo, kahit saan mami-meet talaga natin ang iba't ibang klase ng tao at nasa sa atin na yun kung paano natin sila iha-handle.

Narito na sila!


CACTUS

     Sila yung mga tahimik lang at walang pake. Pero wag mong hahawakan/simulan baka matusok ka lang. Madalas siyang halaman kaya wag mo na lang gambalain at kadalasan lang na nasa isang sulok. Nagtatrabaho lang siya ng maayos kahit wag mong pansinin. Okay lang sa kanya kahit daan-daanan mo na lang siya. Diligan lang ng sahod.

DOUBLE-SIDED TAPE

     Nakaharap man o nakatalikod, nakadikit siya sa mga nakatataas. kahit di na siya magtrabaho, ang mahalaga dikit siya sa'yo. Siga-sigaan at ingay-ingayan sa inyo wala namang gawa. Tinalo pa ang boss sa pagiging supervisor. Expert sa play of words kaya mabulaklak magsalita at hindi mahahahalata na nganga lang siya buong maghapon.

JUSTICE LEAGUE

    Samahan ito ng mga naghahanap ng hustisya sa trabaho. Yung mga naaalipusta at pinagkakaisahan lagi at umaalma sa mababang pasahod. Sila yung mga tribute sa Hunger Games na laging nagsasabi na may the odds be ever in our favor. Kahit saang kompanya may mga Justice League, hindi yun mawawala.

THE SMURFS

    Halos magkapalit na ang mga mukha at magkamukha na talaga dahil sa walang sawang tsismisan araw-araw. Pumapasok lang sila sa trabaho para pag-usapan ang iba at gumawa ng kwento at butasan ang ibang empleyadong Cactus. Madali silang ma-detect, dahil you know, they look alike and talk alike.

ECO-BAG

    Kahit green, malaman naman ang utak. Malaki ang naitutulong nila dahil magagaling sila sa halos lahat ng bagay. Sila yung mga empleyado na lahat ng bagay dinadaan sa green jokes pero sobrang galing sa trabaho. Wala kang masabi sa performance niya kasi matalino siya. Hinahangaan siya ng lahat kahit madumi ang utak niya. Matibay ang mga empleyadong eco-bag dahil kahit anong trabaho ibigay mo sa kanya, kayang-kaya niya yun, biruin ka pa niya ng green joke. Mukhang hindi seryoso pero magaling siya at iniidolo ng lahat.

POWDERPUFF GIRLS

    Ah sila yung mga nagiingay sa opisina niyo na ang laging pinag-uusapan ay make-up, love life at hugot. Kadalasan mga conyo, mahilig mag-besohan at magsabi ng 'omg'. Hindi mawawalan ng powder puff sa bag dahil sila yung mga kikay. Nagtatrabaho para kumita pambili ng cosmetics ni Pia Wurtzbach. Sobrang busy, mahirap istorbohin lalo na kapag nagki-kilay.

TAONG TABON

    Sila yung mga makalumang tao at ayaw magpalamon sa sistema ng teknolohiya. Kumbaga, mas okay lang sa dating method ng trabaho kaysa ngayon na meron nang innovation gaya ng mga machines para mas mapadali ang trabaho. Kahit saang lugar, may taong tabon talaga. Nakakahon pa sa kweba ng nakaraan.

SUPER VILLAINS

    Syempre, hindi mawawala sa opisina ang mga kontrabida. They come in groups na lumalaban sa mga Cactus; pero in the end sila din ang mga duwag na nagtatago sa likod ng computer. Nilalabas lang ang galit sa social media pero hindi ka kayang harapin. Villains kuno pero walang balls. Sila yung mga hindi makatingin sa'yo kapag makakasalubong mo sa hallway pero pag nakatalikod ka saka sila titira. Pag humarap ka, RETREAT!!

GGSS (GANDANG GANDA SA SELFIE)

    Walang ibang ginawa yung kasama mo na mahilig mag-selfie. Pangarap daw niya maging model kaso naipit sa opisina niyo. Para siyang Sharpay na Elle Woods. Laman lang ng FB niya pagmumuka niya, wala nang iba. Kung tatanungin mo kung ano ba ang trabaho niya, walang sagot sa tanong~

KING AND QUEEN

    Sabi nga sa pelikulang Princess Diaries, "a queen is never late, everyone is just early." Sila yung mga laging late. Dumadating one hour or two hours after ng oras ng duty. Late na nga pumasok, umuuwi pa on time. Hindi nila motto sa buhay ang time is gold kasi gasgas na raw yun. Nauna pa speech ni Digong bago pa sila dumating. Hindi pa raw kasi nailalatag ang red carpet. Nakapagtataka lang paano pa sila kumikita.

HALL OF BLAMERS

    Madaming ganito eh. Sila yung may sala pero mahilig manturo. Kesyo si ganto ganyan ang may sala kahit siya naman talaga. Ayaw umamin ng pagkakamali, dapat sinisilaban. Sisisihin ang iba para siya yung malinis. Kailangan nitong hanapan ng katapat o putulan ang hintuturo.

MASTER CHEF (OFFICE EDITION)

    Mahal na mahal sila ng mga empleyado dahil sa kabila ng gabundok na gawain, sila ang kadalasang nabibigyan ng trabaho maging taga-luto. "Pagkain muna bago ang sarili" ika nga nila. Mga huwarang empleyado dahil mas pinahahalagahan ang iba kaysa sa sarili nila. Mwah!


Happy Labor Day!


                                               QUESTION ANSWERED!



Tuesday, November 8, 2016

On life: Bakit ka naiinis sa trabaho?

     Maraming factors ang pwede nating maitala bakit ka nauurat sa trabaho. Sadyang may mga tao kasi talaga na walang pakiramdam kaysa tulungan ka sa trabaho. Minsan, inisip mo na rin kung tao ba sila. Sa pagkakatanda mo, grumaduate ka dahil gusto mo doon sa trabaho na alam mong mag-e-enjoy ka. Pero paano ka naman mag-e-enjoy kung badtrip kang papasok?

     So, bakit ka nga ba naiinis sa trabaho?


     MGA POSIBLENG SAGOT:


1) Mabagal na internet.
         Hindi lang ito ang pangunahing problema sa isang kompanya, sa buong bansa na rin. Mapapamura ka na lang dahil sa bagal ng internet niyo. Yung tipong mas mabilis pa ang chismis ng mga chismosa sa inyo kaysa mag-load ang Google.

         (Pero sa tingin ko, mas mabilis talaga ang chismis kaysa sa delivery ng KFC.)

         Ito yung mga panahon na sasabihin mong mas mabilis pa ang internet niyo sa bahay kaysa sa opisina niyo. Paano ba naman kasi, hindi babagal ang internet niyo kung hindi lang nanonood sa Youtube yung katrabaho mo. #CertifiedKups

         "WOW BAGAL NG NET. SINO BA NANONOOD DYAN?!"

           Tas kunwari wala siyang narinig. Dapat sinisilaban ang mga ganyan.

2) Ghost employees are real.

         May mga taong hindi naniniwala sa mga multo, pero ang hindi nila alam, meron talagang multo. At iyon ang kasama nila sa trabaho.

         Define ghost employee. Sila yung mga empleyado na halos hindi mo maramdaman ang presensya. Sila yung mga empleyadong hindi mo mararamdamang pumasok unless magparamdam sayo na nandyan pala sila. Sila yung mga empleyadong nandyan pero ikaw lang talaga ang nagtatrabaho. Nako, dito sa amin, may kilala akong ganyan. Dalawa sila. Yung isa, nasibak na dahil natutulog sa oras ng trabaho. Itong isa naman, hindi siya masibak-sibak dahil masipag naman daw. Masipag mag-plantsa ng buhok. Sarap ding plantsahin.

         Higit sa lahat, sila yung mga ligaw na kaluluwang sumusweldo kahit naliligaw lang sila sa opisina niyo. Tigas! Naligaw lang, kumikita na! 

        Hindi na uso ngayon ang pagiging hotdog (bibo). Mag-multo ka lang, may kita ka pa.

3) May martial law sa inyo.

        On Sept. 21, 1972, the late Ferdinand Marcos declared martial law in the Philippines. It was lifted on Jan. 17, 1981, but we were under the Marcos regime for more than 20 years. Some people call these years as the "Dark Days of Philippine History" while others don't. Marcos still has supporters up to this day now that the Supreme Court favored to bury his body in the Libingan ng mga Bayani.

        Enough history! Akala mo hindi ka na nabuhay noong panahon ng martial law. Well, dahil sa boss niyo, masasabi mo na history repeats itself nga. Paano ba naman kasi, hindi ka pinapayagang mag-leave, dapat ka lang tumakas. "Strict parents create sneaky kids."

        Hirap na hirap na kayo sa trabaho at sunod-sunod na kayong nagkakasakit pero parang wala siyang pakialam sa inyo. Pumasok kayong lahat nang may sakit at magpakamatay sa trabaho, Only then will your boss realize that he should have allowed you to take a leave of absence. 

      MAG-RESIGN KA NA! OR GUMAWA KAYO NG PEOPLE POWER REVOLUTION SA OPISINA. OUST BOSS! Tapos dapat wala kayong Korte Suprema kung dapat ba siyang ilibing sa Libingan ng mga Bayani, 'cause he ain't. 


4) Ang daming pinapagawa wala namang increase.

    Too much workload, but is the pay enough? Eh para sa mga passionate sa kanilang trabaho, okay lang naman daw ito as long as they love their job. 

     Sa mga rebellious employees, ipaglalaban ito. Hello, boss, dami mo pinapagawa, may increase ba ko? Kaya mo bang sabihin yan? Syempre hindi, unless you are a rebel. Iska. Isko. 

    Pustahan may mga kompanya na may mga empleyado na "Allied Powers" laban kay boss na "Axis Powers". Yung parang Katipunero na nagpupunit ng kontrata este cedula. "BOSS! AALIS NA KO PUNYETANG BUHAY 'TO! PARA SAAN PA ANG LEAVE?! YOU WANT ME TO LEAVE FOREVER?!" 


5) Walang motivation.

     Ah, the saddest part of life. Ang mahirap sa trabaho yung wala kang nakikitang motivation. Pumapasok ka araw-araw tapos araw-araw mo ring nare-realize na you're doing the same shit every day. Yun at yun lang ginagawa mo, there's no growth. Single ka na nga, pinagpapalit pa kayo ng mukha ng computer mo. In short, wala kang social life. WALA KA NA NGANG LIFE, WALA KA PANG TIME PARA MAKIPAG-SOCIALIZE.

     Maybe it's time to move on. Oras na para mag-aklas kayo ng mga kasama mo. Gumawa na kayo ng inisyal na plano paano papabagsakin ang nakaupo sa trono. Pasado alas dose ng gabi, punitin ang mga kontrata. Sabay sigaw ng "Kalayaan!"

    De joke lang. Asa namang gagawin mo yun, diba? 



 QUESTION ANSWERED! 







         

Tuesday, October 25, 2016

On Halloween: Bakit ka ba natatakot?

Ayan, uso na naman mukha mo next week. So, bakit ka pa natatakot kung nakikita mo naman ang sarili mo araw-araw sa salamin? HAHAHA! Joke! Pero bakit nga ba kasi tayo natatakot? Natatakot tayo pero bumibili tayo ng mga nakakatakot na maskara. No need to mention yung bagong horror mask ni U.S. Pres. Barack Obama at Tatay Digong.

Natatakot tayo pero nanonood pa rin tayo ng horror movies. Natatakot pa rin tayo kahit alam nating walang sasalo 'tin. Woo emote!

So bakit ka nga ba natatakot?

MGA POSIBLENG SAGOT:

a) Mahilig ka manood ng horror movies

Malamang! Dyan nagsisimula ang takot. Kapag ikaw ay mahilig manood ng horror movies tapos magsisisi sa bandang huli, malamang kasalanan mo yon. Alam mo namang matatakutin ka, pero nanonood ka pa rin. Bakit ka pa ba kasi nanonood ng horror movies kung nakikita mo naman ang mukha mo araw-araw? Alam mo, kung manonood ka ng horror, wag yung pure, dapat comedy-horror, para at least balansyado yung takot at comedy.

Sama mo na rin pala rito yung mga tarantado mong kapatid na kapag kasama mong manood eh pagti-tripan ka pa at papatayan ka ng ilaw bigla. Wag ka lilingon, nako bahala ka. Mga duwag din yon, kala mo lang.

b) Suki ka ng horror booths.

Hay nako. Yung magba-barkada na ang tatapang magsipasok sa mga horror booth kala mo kung sinong mga atapang-atao. Sila yung mga naka-tren tren putput kung pumasok sa loob, tapos mandirigma na paglabas. Pustahan may mga naihi pa diyan. Ang malala diyan, may sisihan pa yan paglabas! Magtuturuan na kasalanan ng bibeng leader kaya pumasok sa loob, samantalang lahat naman sumama. Pero siyempre, dyan makikita ang pagiging matatag niyong magkakaibigan, kung sino ang tatagal sa mga ganyang sitwasyon. Kapag may zombie apocalypse, yung tropa niyo na lang na yon ang matitira. Kapag mahina ka at bumitaw sa tren tren putput niyo, you're dead. Isa ka na sa mga zombie sa Train to Busan.

Natatandaan ko pa tuloy noong pumasok kami sa horror booth namin sa school dati. High school pa ako noon, tapos yung mga nananakot yung mga tindero sa canteen. In fairness, ang galing nila, pang-Oscars. Doon pa lang, takot na takot na ako, kaya yun, naiwan ko yung kaliwang sapatos ko sa loob paglabas namin. Wala akong kwenta kasama noon, kasi nakapikit lang ako the whole time na nasa loob kami ng horror booth.

Nagkasala pa ako sa kaklase ko kasi napunitan ko pa siya ng damit dahil sa tren tren putput naming style para di magkahiwa-hiwalay. Instant busabos tuloy siya.

Gusto pa ng mga tao na nag-a-assist sa mga pumapasok na ako raw kumuha nung sapatos ko sa loob. Waw, ano po purpose niyo rito?

c) Yung barkada mong hayop na walang ibang ginawa kundi manakot.

Di talaga mawawala sa mga barkada ang mga loko-loko. Yung mga effort mag-costume pa talaga para lang makapanakot. Nagbibihis pa ng ala-Sadako, ala-Valak at ala-Mahal. Pero sadyang may mga kaibigan talaga tayong hindi natin maintindihan bakit yung mukha niya araw-araw Halloween.

Syempre, maliban sa pag-e-effort sa pagko-costume, may mga barkada rin na nagse-send ng mga photos ng mga kinatatakutan nating horror personalities--gaya nila Shomba, Sadako, Valak, at yung babae dun sa Shutter na di ka pinatulog. Lecheng yon. May mga kaibigan akong ganyan eh, sakto alas dose ng hatinggabi magse-send ng mga pictures, tapos sila din takot. Wag ngang plastik, friends.

Wag rin pala nating kakalimutan yung mga websites na kala mo hindi naman nakakatakot pero pagbukas mo, que horror pala. Nabiktima na ko ng dyan, hayok ako sa laro dati eh. Binigyan ako ng link ng classmate ko, akala ko game site, yun pala babaeng duguan yung lumabas pag-load nung page. May sounds pa! Punyeta.

Isama na rin natin dito yung mga lecheng social media accounts na gumagawa ng mga horror memes at horror chain messages na masarap ipa-hack sa mga Instik. Yung mas gugustuhin mong magde-activate ng Facebook at Twitter from Oct. 31-Nov. 2.

d) Feeling mo may something lagi sa dilim.

Feeling mo may something lagi sa dilim? Di ba ikaw lang yon dahil hindi ka rin makita? Tapos uso pa dyan yung papatayin ang ilaw tapos magtututok ng flashlight sa ilalim ng baba sabay tingin sa salamin. O diba, ikaw lang talaga yon? Pero sadyang nakakatakot talaga ang dilim kasi yan ang main setting ng mga horror films. Pero may tanong ako dyan. Bakit gusto nating natutulog kapag nakapatay ang ilaw pero takot tayo sa dilim? Papatayin ang switch sabay taklob sa kumot. Sabi ng karamihan, nakakasilaw daw ang ilaw kaya pinapatay. Pero yung iba na matataba ang utak, kapag pinatay ang ilaw baka raw may makitang patay. Awooooo~ Tingin ka sa likod mo.

e) Dahil minsan ka nang nagmahal at ika'y nasaktan.

Eto para sa mga humuhugot dyan. Kaya natatakot ang karamihan dahil nasaktan sila, iniwan at hindi nabigyan ng pangalawang pagkakataon. Sila yung mga suki ng Betsin Artparasites, mga tumatangkilik ng mga libro ni Juan Miguel Severo at yung ibang dinadaan sa Wattpad ang pag-e-emote.

Sila rin yung mga nagmahal, nasaktan, nag-selfie. Naalala ko tuloy yung mga kumakalat na pictures sa FB yung mga kabataan ngayon na nagse-selfie habang umiiyak kaya naba-bash. Nako, kayong mga bata, itigil niyo yan kung ayaw niyong magalit si Tatay Digong! Hina-hunting pa naman niya ngayon ang mga durugista at adik..kasama na dyan yung mga adik sa pag-ibig. Aral muna bago landi!

Pero para sa mga bata, alam niyo, dapat kayong matakot sa mga nanay niyo kapag inuuna ang lovelife! Darating yan sa tamang panahon at sa tamang edad! Tigil niyo yan ah. Matakot kayo sa sinturon, sa tsinelas, sa walis at sa mga lumilipad na garapon. Okay ba tayo dyan mga tsong?

QUESTION ANSWERED! 

Friday, June 17, 2016

Independence Day Special: Bakit ka nag-iisa?

     Ngayong Araw ng Kalayaan, ginugunita natin ang ika-118th na taon ng pagkakalaya ng ating bansa mula sa mga mananakop. Pero ngayong araw ding ito, eh marami na rin ang gustong lumaya sa kanilang mga problema at sa mga toxic na tao sa kani-kanilang mga buhay. Ikaw, kanino mo gustong lumaya, sa jowa mo o sa kahayupan ng China?

     June 12, 1898, Independence Day. Ngayon iwinagayway ni former Pres. Emilio Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas sa Kawit, Cavite. Ibig sabihin nito, kaya na nating tumayo bilang isang bansa at hindi na tayo magpapa-api sa mga manankop. Eh bakit naman hanggang ngayon parang wala pa rin tayong laya sa mga bansang inaabuso tayo? (Ikaw nga eh, hindi ka pa rin lumalaya sa abusado mong jowa eh. Wag ka nga!)

     Sorry, history bigla. HAHAHA! Kailangan naman natin ng konting kasaysayan kasi may mga tao pa rin na hindi alam kung kailan ang Independence Day. Noong first year ako, nagtatanungan kaming magkakaklase para sa History Exam namin. Ako yung taga-tanong tapos ang tanong ko, kailan ang Araw ng Kalayaan. Aba'y ang sagot sa akin ng seryoso ha, JUNE 5. :(

     Anyway, maliban sa paggunita ng araw ng kasarinlan, ginugunita rin ng karamihan sa atin ang kanilang pag-iisa, o literal na independent.

     Kaya ang tanong, bakit ka nag-iisa?

MGA POSIBLENG SAGOT:

1) Choosy ka.

     Wag ka magreklamo kung bakit ka nag-iisa kung ikaw naman ang dahilan nito. Napaka-choosy mo kasi, parang ako. Kaya wag sana akong tularan. Hindi naman ako umaangal dito, pero hey, okay lang sa akin dahil konsimisyon lang ang mag-boypren. Career first! Ayon sa aking mga nabasa, you should fling to find someone. Teh, I don't know how to fling and I maintain a suplada image for professionalism. Eh ikaw, ewan ko sa'yo. Baka naman kasi ang hanap mo eh, matangkad na maputi na gwapo na matalino at loyal. Gawa lang yun ng imagination mo at pawang surreal lang. Kapag mga ganyan pa naman eh ang napupunta sa mga kagaya mo eh yung kasalungat, short dark, and never mind.

2) Di pa siya dumadating kasi torpe siya.

     I'll leave this answer to the hopeless romantic gentlemen.

3) Sanay ka na maging independent.

     Dahil matagal kang single, sanay ka na sa bawat gulong ng buhay; whether it's a tire of a truck, car, tricycle, bisikleta o pison pa man. Nakikipaghabulan ka sa jeep, nakikipagsiksikan sa kasama ang mandirigma sa tren, at hindi nagpapalibre. Kumbaga, na-enjoy mo ang pagiging single kaya hayahay ang buhay. Hindi ka pa nag-iisip kung niloloko ka lang ba o tanga ka lang talaga. Hindi mo rin iniiyakan ang mga walang kwentang tao. Kaya, good job kung ganon. You don't feel bad or regret being single or reject guys. Apir tayo!

     Gayahin mo lang ang manok na ito: 

    
     
4) Wala kang kasama sa galaan.

     Today is a holiday! Syempre gagala kayo ng tropa niyo. Unfortunately, nakarating ka na meeting place/rendezvous point niyo, pero last minute saka nag-backout ang lahat. Langyang buhay to. Magpaka-YOLO ka muna. You Only Laboy Once (Isang beses ka lang lalaboy mag-isa.) Iniba ko lang konti yung interpretation. Hahaha! Bastos yang tropa mo, pero mahal ka nila. It will keep your friendship stronger! In return, ikaw naman ang biglaang magbackout sa susunod niyong gala.

     Believe me, masaya rin gumala mag-isa, kumain mag-isa, mag-shopping mag-isa at mag-commute mag-isa. Ang barkada time na nauwi sa me time. Unexpected di ba? Mapapamura ka na lang.

 5) May 'ghost' employee sa inyo.

      In our journalism classes, we were taught that the conclusion in the article should always be related to the lead. So, kaya ka nag-iisa, dahil wala kang social life. Bakit? Kasalanan yun ng ghost employee na kasama mo sa trabaho.

      Ayon sa Reader's Digest, out of the 200 people you meet everyday, two of them are ghosts. Sa kasamaang palad, yung isa dun, katrabaho mo pa. Yung empleyado na dadating tapos di mo naman ramdam yung trabaho. Worst case scenario, dalawa kayong naka-duty pero ikaw lang talaga mag-isa. Para siyang si John sa Justice League. Or para siyang si Harry Potter na nakasuot ng invisibility cloak. Or si Annabeth Chase na nakasuot ng invisibility cap.

     Kumbaga siya ay isang regular na multo lang, pero ikaw nagiging diablo. Pano ba namang hindi, halos magkapalit na kayo ng mukha ng computer mo tapos maririnig mo ang hilik niyang mahimbing at lalim ng tulog. Punyeta lang.


Ito lang ang masasabi ko: 

    "Sleeping on duty? That's disgraceful. They should fire that fellow."
-Mrs. Eberhardt, Hoot by Carl Hiaasen :)


     QUESTION ANSWERED! 

Wednesday, September 9, 2015

On life: Bakit mahirap mag-commute?

     Hi! Matagal-tagal na rin pala akong hindi nakakapag-post dito sa version ko ng "problem solving" na blog. HAHAHA!

     Anyway, napagawa ako ng blog post ngayon dahil sa EDSA at Beep card ng LRT at MRT. Syempre, alamat na ang EDSA kapag pinag-uusapan ang trapiko. Ang MRT at LRT naman, alamat na rin sa maya't mayang problema.

     Alam nating lahat na ubod ng hirap mag-commute, hindi ka pa nakakarating sa pupuntahan mo, pagod at dugyot ka na. Pero, bakit nga ba kasi mahirap ang mag-commute?

MGA POSIBLENG SAGOT:

1) Ang taong hindi marunong makipagbalyahan, walang patutunguhan.

     THIS IS SPARTA! Walang sinasanto ang mga taong may talento sa pakikipagbalyahan, kaya dapat magaling ka din lalo na kapag rush hour, kapag beast mode na ang mga tao.

     REQUIREMENTS PARA SA MAGALING NA PAKIKIPAGBALYAHAN:
     a) Kailangan mabilis ang pagtakbo, parang sa Maze Runner dahil hahabulin mo ang jeep. Tsaka madami kayong mga Runners kaya kailangan matinik sa pagtakbo.
     b) Kung babae ka, sampa ka agad kahit umaandar na ang jeep at temporary kang nakasabit. Wag kang mag-alala, makakaupo ka din naman. :) Magpakalalaki ka muna for 5 minutes.
     c) Malakas dapat ang pwersa para hindi magitgit ng iba. Wag nang maarte kung magitgit ka ng mga kapatid nating mandirigma, magiging dugyot ka rin naman mamaya :D

     May isa na akong experience dyan sa pakikipagbalyahan na yan. Beast mode na din ako nun, desperado na akong umuwi. Nung dumating yung bus, hinabol ko at sabi ng drayber, "Ay akala ko lalaki." WOW MANONG!

     Sa totoo lang, mula nung nag-college ako, gumaling na ako sa pakikipagbalyahan, kasi nga wala nga naman akong aabutang klase kapag hindi ako nakipag-agawan sa pagsakay ng jeep o bus. Oo, delikado kasi umaandar na yung jeep tapos hindi mo pa naisasampa yung isa mong paa, pero ang mahalaga, nakasakay yung isang paa. Bottomline, nakasakay ka naman, alanganin lang. :) Nagkaroon pa nga ako ng pasa dahil may sumabay sakin na sumampa sa jeep. :(

     Kapag nagawa mo nang makipagbalyahan, isa ka na sa mga mababangis na tao sa pagsabit sa jeep challenge. :)

2)  Mukha at amoy mandirigma ka na, umaga pa lang.

     Aalis ka ng bahay na maganda, fresh na fresh at model ang dating paglabas ng bahay. Bababa ka sa hagdan na parang prinsesa, looking gorgeous. Pero dahil beast mode ka na sa pag-commute, mukha ka na ring beast pagkadating mo sa opisina o klase niyo. :( Problema ko ito lagi tuwing may klase ako ng alas-syete. Syet.

     Syempre, sino ba naman ang hindi magiging automatic na mandirigma kapag rush hour? Ang dami daming pasahero, mahirap sumakay at saksakan pa ng init. Sa kahihintay ng sasakyan, matutunaw na ang ilang oras mong pinaghandaang make-up at mababasa na ang kili-kili mo sa kapapara ng mga jeep o bus para lang makasakay. Sayang effort. :(

     Dahil sa mamantika na ang mukha mo, pwede mo na rin prituhan ng itlog yan, may almusal ka pa.

     At speaking of almusal, dahil sa pagod mo sa pagko-commute, matutunaw na rin ang kinain mo dahil ubos na ang energy mo sa byahe pa lang. O, 7-11 ka muna bago pumasok :)

     Napanood ko pala sa Good News, sa QTV Channel 11, para daw hindi mahalata na basa na ang kili-kili mo, maglagay raw ng pantyliner sa underarm part. O ayan, binigyan na kita ng option para mabawasan ang nakakahiya moments mo pagpasok mo sa trabaho o sa school. :) Search mo pa yan sa Youtube. :) Malay mo, makatulong sayo. :)

3) May mga pasahero na ubod ng kupal.

     Naman! Hindi mawawala sa buhay-commuter natin ang mga pasaherong hindi talaga tinatablan ng kapal ng mukha. Hindi mo talaga maiiwasan ang mga ganitong tao, nakakadagdag sa init ng ulo.

     MGA KLASE NG PASAHERO NA KUPAL:
     a) Sisigaw ka ng "Bayad ho!" tapos tititigan lang yung bayad mo.
     b) 1/16 lang ng pwet mo ang nakaupo kasi ayaw ni ate umusog. Kailangan daw kasing naka-sideview baka makitaan siya kasi naka-miniskirt. Teh, wala kang magagawa kapag nagpuno na yang jeep, kailangan mo talaga mag-sit straight. Ambisyosa ka wala namang titingin.
     c) Yung mga babaeng ang hahaba ng buhok ayaw talian. Oo, ang ganda ng hair, smooth and shiny, pero kapag umandar na yung jeep at ang lakas ng hangin, nasa mukha mo na yung buhok niya. At hindi yun nakakatuwa. Hindi masarap ang buhok, 'teh.
     d) Sisigaw ka pa rin ng "Bayad ho!" naka-earphones ung aabutan mo, pero nakita naman niya. Tinatamad lang siya mag-abot kasi busy siya sa music video niya sa pagdungaw sa bintana ng jeep.
     e) Syempre, mawawala ba ang mga nagtutulug-tulugan dyan? Pagkasigaw mo ng bayad, sasabayan din niya ng pikit? Epic!

     At of course, hindi na rin mawawala ang pagiging automatic sideline mo sa jeep bilang konduktor kapag sa likod ka ng drayber uupo. Dahil alam ng mga kapwa mo pasahero na masipag ka mag-abot ng bayad, tutulugan ka na nila o maglalaro ng CoC o kaya magfe-Facebook. :P

4)  Hindi na sapat ang face palm moments para sa LRT at MRT.

      LRT and MRT is home to the legendary warriors of all time. Sa Tagalog, sa LRT at MRT mo makikita ang marami at mga tunay na mandirigma. Maliban sa mala-sardinas na experience, bigla pang titigil ang train mong sinasakyan dahil sa 'technical problems'. Maliban pa dun, wala pang aircon at hindi umaandar ang mga escalator. Pero syempre, wala ka rin namang choice dahil ito ang pinakamabilis na mode of transportation sa atin. Sa lagay na yan.

     Dito mas malupit ang balyahan dahil mas malupit ang mga warriors. Dito pala mas applicable ang 'THIS IS SPARTA!' HAHAHA!

     Pero pwede ka rin namang pumili, makipagbalyahan sa jeep o bus, o kaya makipaglaban sa MRT at LRT. Ito yung sinasabi nilang papasok kang yayamanin, lalabas kang gusgusin.

     Iba talaga nagagawa ng LRT at MRT! Sanay na rin naman na tayo sa mga ganitong problema, kasi sanay na rin naman ang mga tren sa maya't mayang paghinto. Ang galing din eh, sana kapag biglang huminto ang tren, sana ang oras din.

5) Palipat-lipat ng sasakyan, pabago-bago ang amoy at padami nang padami ang germs.

     Simulan natin sa palipat-lipat ng sasakyan. Hindi bababa sa dalawang sakay ang karamihan satin papunta sa trabaho o sa paaralan. Nakakapagod ito dahil bababa ka dito, tatawid ka doon at sasakay ka na naman ng tricycle. Masakit pa, ganito lagi ang sitwasyon mo araw-araw.

     At dahil palipat-lipat ka ng sasakyan, pabago-bago rin ang mga naaamoy mo at nagiging amoy mo. May makakatabi kang mabango at feeling mabango. Tapos may uutot, pa-inosente pa. May madadaanan din kayong truck ng basura o truck ng baboy at trapik pa. Regardless pala ito kung ano ang sakyan mo, tren, jeep o bus.

     TIP: Kung nauutot, sana isakto niyo kapag napadaan kayo sa mga ganyang klase ng truck, para humalo na yung amoy. Kung walang madaananan, mag-abang ng humps saka ilabas ang masamang gas. Kung wala pa rin, keep it quiet, deadly nga lang. Wala eh. Wag naman kung kelan bumababa ka na ng jeep. Mawalang galang na.

     Anyway, uulitin na naman natin, palipat-lipat ka ng sasakyan, pabago-bago ang mga naaamoy mo at nagiging amoy mo, syempre, dumadami na rin ang germs. May mga mababait kasi na tao na pinapahid ang kulangot sa handle bars sa jeep o kaya dinidikit doon ang bubble gum. May mga balasubas din na pasahero na katabi mo na nga, nangungulangot pa tapos pipitikin saka pa lang mag-aabot ng pamasahe niya. At syempre, madumi ang pera. Kung saan-saan na umiikot ang mga barya at papel na pera, kaya counted na rin yun sa pagdami ng germs. Kaya lesson, laging magbaon ng alcohol para iwas 99.99% na germs. :)

     ---Kahit napakahirap mag-commute, nakakatawa pa rin ang mga ganitong tagpo dahil sa mga unforgettable experiences natin sa kalsada. Nagagawan kasi natin ito ng mga memes na nakakatanggal ng stress lalo na kapag nakaka-relate ka. Magiging maayos din ang lahat kapag naka-graduate ka na o na-promote ka dahil sulit lahat ng pagod mo. Pero sa ngayon, ang kailangan lang kasi talaga nating mga commuter ay pasensya at ang mga inuming ito (LALUNG-LALO NA YUNG HULI):

Para sa mga mandirigma. (Credits to the owner of this photo)

     Kaya ikaw, ingat at good luck sa susunod mong laban mamayang rush hour! :)

     QUESTION ANSWERED!

Thursday, February 27, 2014

On studies: Bakit mahirap mag-review?

           Matatapos na naman ang Pebrero at papasok na ang Marso, ang buwan ng tag-habol. Taghabol ng requirements, taghabol ng huling silay sa taon, at taghabol sa mga may utang na mga kaklase. Pero syempre, hindi mawawala ang final exams na sadyang nakakaiyak porket huling exam na. Dapat nga madali pa yung final exam kasi last na. Odiba. Pero may advantage naman tayo kasi nakakakuha tayo ng mga plus. Kahit plus one lang ipagpipilitan pa. Hahaha!
          Teka, ano nga ba ang linya ng kabataan kapag nagrereview? "Tinatamad na ko." "Ayoko na." "Bahala na." (Aminin! Sinabi mo na yan!) Ako, sinabi ko na yan! Hahaha!

          Well, bakit nga ba tayo nahihirapan magreview sa mga exam at quizzes?

Mga posibleng sagot:

1.) Mahirap intindihin.
          One of the main reasons bakit ang hirap magreview, lalo na sa Math. Di mo na nga magets, kailangan pa tandaan yung formula. Kapag hindi mo na talaga magets, ititigil mo na lang kasi wala kang naintindihan. Tapos magrereklamo ka na dahil di naman magagamit yung mga square root at binomials sa trabaho mo.

"Okay. Magegets ko to! Kailangan ko lang tandaan tong formulang to. WOO"

...le fraction appears...

"ANO TO?! Magagamit ko ba to sa labas?! 'Ate pabili nga po ng 3 1/5 na Perla?!' Ayoko na!"

      Sa dami pang formula, makakalimutan mo pa saan gamit ang formulang ito, o ang formulang yan. Kaya kapag nagtimpla ka ng kape, ASIN ang mailalagay mo, hindi asukal. Good luck. Di naman ako masyadong galit sa Math? Hahaha!

      Wag ka mag-alala, pati rin ang Literature walang kawala dyan. Lalo na kapag ang exam eh tungkol sa mga gawa ni Shakespeare, tapos kailangan mo ipaliwanag. Pero okay lang yan, at least iintindihin mo lang, at wala kang dapat ime-memorize. Odiba. :D

2.) Naaagaw ng FB, Twitter, Tumblr at kung ano-ano pa ang atensyon mo.
     Syempre naman. Di mawawala ang pagba-browse sa mga social networking sites habang nagrereview. Kesyo pagod na mag-aral at gusto muna magpahinga kaya nag-e-FB. Minsan palusot pa sa mga nanay dahil 'online review' at 'nagtatanungan', pero sa totoo lang, nag-aasaran lang kayo sa FB at nag-i-stalk ng mga profile, tapos aasarin. Dibaaa? Pero ang pagbabrowse, inaabot ng isang oras at mahigit pa, mas matagal pa sa oras ng review.

Bakit? Ganto yan.

"Makapag-online nga muna baka online din si crush!!"
"Ang gwapo ni crush dito!!"
"Magpalit na rin kaya ako ng DP ano?"
"Ay online si BFF, chat muna."

Kapag sa Twitter naman ganto:
"Nakakapagod magreview! #productive"
"Tinatamad na ko. #pakopya"
"Mamaya na ko mag-rereview. #perotulognamamaya"

--Aminin! :) Tapos sasabihin mo na mamaya na lang, hanggang sa nakatulog ka na, hanggang sa bukas na at ipapatong mo na lang yung libro mo sa ulo mo para pumasok ang info kuno sa ulo mo. :) Style!

3.) Nakakatulog.
           May iba sa tin na komportable magreview ng nakahiga. Kaya naman, wala pang isang oras, tulog na. Sa mga nakaupo naman, namamarkahan naman ng isla yung mga libro nila dahil kusa na lang babagsak ang mukha nila sa libro.

Syempre alam ni Nanay na may exam ka, at kapag nahuli ka niyang nakapikit habang nag-aaral:

"Akala ko ba may exam ka? Bakit tulog ka dyan?"
"Ma! Gising po ako! Nag-iisip lang po ng sagot."
--Pero sa totoo lang, half-conscious ka na lang dahil asa Dreamworld ka na talaga. Kapag school book ang binabasa inaantok,
pero kapag City of Bones, buhay na buhay! Push! :)

"Okay. HINDI AKO MATUTULOG NGAYON! Magpupuyat ako para sa Chemistry!"

.....

"Teka, pipikit muna ko, para ma-i-relax ko ang utak ko."
--Hanggang sa tuluyan ka nang nakatulog. Ansabe ng Chemistry mo? At mauuwi yan sa...! Kodigs. :)
(On studies: Bakit may nangongodigo?)

4.) Text.
         Ang mahiwagang mensahe! Masasabi na natin ngayon na ang cellphone ay isa na ring 'need' at hindi na 'want'. Kaya sa panahon ngayon, kada galaw, text. At sa pagrereview, isa ito sa mga malalaking sagabal, lalo na kapag ang nagtext ay...

1 new message: Crush
Ikaw: SHIIIT!! (open message)
Message: Sakit na ng ulo ko sa kakareview. Text? GM.
Ikaw: Nako, wala akong load.. ba yan! NVM. Mag-aaral na lang ako. AT LEAST INSPIRED NA KO!! :">

.....

1 new message: Crush
Ikaw: (kilig kilig ka pa)
Message: Hi (insert your name here)! Ui, nakapagreview ka na ba?
Ikaw: (OKAY UNLI NA KO!) Ahm, oo. Hehehe, bakit?
Message ni Crush: Wala lang. Di ko kasi maintindihan to eh, kung gets mo, pwedeng paki-explain..
Ikaw: (parang kulang yun. paki-explain..? Okay, wag na assuming.) Ahm okay sige. Itetext ko na lang sayo. :)
MNC: Tatawagan na lang kita. :)
Ikaw: (IIIHHHH!! Kasi naman iih!) Okay sige. :)

--Mamaya tingnan mo, di ka na talaga makakapag-aral dahil sa kilig feels mo dyan. :)

Di lang naman si crush eh. Minsan may mga ganto:

1 new message: Panget
Ikaw: (Ba yan eh. Kung kelan nag-aaral.)
Message: Guys, announcement! Wala daw si Sir bukas, walang exam! WOO!
Ikaw: YEHEEY! Buti na lang may nag-text! Okay, itatago ko na lang tong reviewer ko kung saan di ko to makikita.

OR

1 new message: BFF
Ikaw: (...)
Message: Hoy
Ikaw: (tsk) ano
Message ni BFF: Wala lang. Ang panget mo lang. Bye bestie!
Ikaw: Okay bye, bruha!

--Odiba, totally distracted at destructed ka na talaga sa pagrereview. Kung nasa page 45 ka pa lang, after 3 hours, asa page 45 ka pa din. :)

5.) Dadalaw ang katamaran.
        Sa unang tingin pa lang, di mo na agad magegets. Sa unang tingin pa lang, 50 pages. Kahit title page pa lang, tinatamad na. Ganyan talaga tayo minsan, lalo na kapag maraming distractions. Tulad ngayon, may quiz ako bukas pero nasa Facebook ako. Hahaha!

       Syempre, uulit ka ulit sa number 1 hanggang marating mo ulit ang number 5. :) (Maliban lang kung itetext ka pa ng crush mo.)


    --Estudyante blues nga naman. :) Marami ding paraan para makapagreview tayo ng maayos, at ang sagot ng karamihan ay kailangan nila ng inspirasyon. Inspirasyon, gaya ng future mo sa trabaho, ang pangaral ng mga magulang o ang mataas na score sa mga quiz or exam (dapat hindi look-to-the-left-and-right yan ah). HAHAHA! Kapag naka-graduate na tayo, mamimiss din natin ang pagiging estudyante, at lahat ng ginagawa natin noong tayo'y nag-aaral pa.


        Pero sa mga oras na 'to, dapat ka munang mag-review. :) Hindi ka magmu-movie review or book review, as in mag-aaral ka
talaga muna. :) Good luck! :)


QUESTION ANSWERED!