Eh bakit ka nga ba nagpapakabait? Alam naman nating lahat kaya tayo nagpapakabait eh may mga nais tayong maabot. HAHAHA! Aminin ang mga gawain! :))
QUESTION:
Bakit ka nagpapakabait?
MGA POSIBLENG SAGOT:
1) May gala.
--Obviously speaking, para di ka ma-bad shot sa iyong inay at itay, papakabait ka. Lahat ng posibleng gawaing bahay gagawin mo. Magpupunas, magwawalis, maghuhugas, maglalaba, magpaplantsa at kung ano-ano pa. Yie, bait nya! (weh :P)
"Sige anak, gumawa ka na dyan ng homework mo at maglalaba na ako."
"Nay! Ako na maglalaba, pahinga ka lang dyan!"
"Magpaplantsa ako ng damit mo mamaya.."
"Ako na po Nay! Baka magkarayuma po kayo matagal kayong nakatayo dyan.."
"Mamalengke na ako at baka dumami na ang tao mamaya."
"Nay, dito na lang po kayo sa bahay at ako na po ang aalis, ibigay niyo na lang po sa akin ang listahan ng mga bibilhin."
"Ang bait ng anak ko ah!"
"Syempre naman Nay!"
(HAHAHA)
The Day:
"Nay, aalis po ako mamaya, kasama ko po mga kaibigan ko. 0:)"
"Tapos na ba mga homework mo?"
"OPO NAY!"
"Okay sige, mag-aral ka na para di ka ma-donut bukas. Hindi ka aalis."
(Ouch.)
2) May kasalanan.
--Nagpapakabait ang mga may sala para mapagtakpan ang kanilang mga mali. Example, nakabasag ng vase, na-donut sa exam o kaya natawag ng principal. Unfortunately, malalaman at malalaman din ng mga magulang mo ang misteryo sa pagpapakabait mo, dahil sa tuwing magtatanong sila, tumatagaktak ang pawis mong malamig. At sa bawat deny mo, nahuhuli ka nila. EPIC FAIL. :)) Kasalanan mo in the end kung bakit ka din nabubuking :) At once na malaman na nila, dating gawi na din? :P
3) May gustong bilhin.
--Normal naman sa ating mga kabataan ang mga gusto nating mga gamit sa buhay. May gusto tayong libro, laruan at kung anu-ano pa. At para maabot at makuha ang iyong mga pangarap, tumulong na din sa mga gawaing bahay. :) Tapos magpapa-cute ka pa, at mamasahiin mo ang iyong magulang pagkatapos niyong maglinis.
"Nay, pagod na po ata kayo. Upo po muna ko, mamasahiin ko po yung likod niyo. :)"
"Anong kailangan mo?"
"Ahm Nay, gusto ko kasi yung damit sa Forever 21.."
"Magkano ba yun?"
"2,000 po Nay.."
"Sige magbihis ka na."
"TALAGA NAY?! SALAMAT PO!"
"Oo, pupunta tayo sa 168, doon Forever Mura."
4) Para sa extra baon.
--Kung tatanungin ang karamihan sa mga estudyante ngayon kung ano ang dahilan bakit sila pumapasok, ay dahil sa baon. The more, the merrier! Mas malaki ang halaga, mas marami ka pang mabibili! Tapos, at the end of the day, mauubos na agad ang kabibigay pa lang sayo na allowance mo para sa isang linggo. At ano ang iyong gagawin?
a) mangutang sa kaklase
b) magpakabait ulit
c) as much as possible i-perfect lahat ng exam, quiz, homework etc..
d) all of the above
5) Aminin mo, ginawa mo na lahat yan no? HAHAHAH!
--All in all, dito natin masasabi ang mga hidden talent ng mga kabataan sa pag-acting. Odiba! Maraming magagaling na child actors and actresses, hindi pa nga lang sila nadidiscover. HAHAHA! Pero dapat, magpakabait tayo, hindi dahil may kailangan tayo, at dapat lahat ng ating ginagawa ay bukal sa ating kalooban. :)
Pakabait ka ha? :D
QUESTION ANSWERED!