TuneList - Make your site Live

Thursday, October 31, 2013

On life: Bakit kaya mahirap gumising sa umaga?

(Insert alarm clock here)
(Alarm clock talaga. HAHAHA!)

              Magigising ka pero matutulog ka ulit, kahit limang minuto pa. At ang limang minuto mo, aabutin nang 30 mins. Tapos magtataka ka bakit ganun katagal inabot ng limang minuto mo. Hawakan mo muna yung laway sa unan mo. Kung medyo basa pa, ibig sabihin sakto limang minuto ang extra tulog mo. Pero kung tuyot na, 30 minutes na yun or higit pa. Ang hirap talaga gumising sa umaga no? Bakit kaya?

QUESTION:

Bakit mahirap gumising sa umaga?

MGA POSIBLENG SAGOT:

1) Puyat.

             --Of course! Yan ang main reason bakit mahirap gumising sa umaga. Nandyan kasi yung maraming school works, home works, social networks, mga ganun. Kaya kapag puyat, you clamor for more hours of sleep. Gusto na ng katawan mo tumayo, pero ayaw kang pabangunin ng mata mo. Kaya dyan papasok ang mga litanya ni Inay:

"Anak! (titingin sa orasan) Gumising ka na! Alas siyete na!" 
"Ma! (titingin sa cellphone) Alas sais pa lang eh!"

               Ganyan ang style nila. Naka-adjust lahat ng orasan sa bahay niyo para bumangon ka agad at para hindi ka ma-late. May advantage ka nga naman, diba? (And believe me, may isang orasan kami na advance ng 30 minutes.)

2) Maganda ang panaginip.

             --Isa sa mga dahilan kaya ayaw nating bumangon ay dahil sa magandang panaginip. Manalo sa isang contest, nakamit ang pangarap, o kung ano ano pa kaya ayaw talaga bumangon. Ang style pa nung iba, susubukan magbalik tulog dahil gusto pa nilang ituloy ang panaginip na naudlot. Sa kasamaang palad, hindi ito matutuloy dahil nagising ka na at pilit mo pa ring pinipikit ang mata mo.

"Anak! Gumising ka na! Male-late ka na o!"
"Mama naman eh! Ikakasal na daw kami ni Logan Lerman eh! Nasa altar na kami eh :((("

Try mo na lang ulit mamayang gabi.

3) Napasarap ang tulog.
           
           --Oh yes. Sa ganitong scenario, sa unang higa pa lang, napapikit na, kaya ang tulog ay dire-diretso at walang sagabal. Usually, clear dreams ito. Nangyayari ito habang nagbabasa o nagrereview, sasabihin sa sarili na matutulog muna ng five minutes tapos magigising ng 30 minutes, pero di na alam na napasarap na pala ang tulog.

"HALA! Di ako natapos mag-review!!"
"Ok bahala na lang."

4) Malamig ang panahon.
          
           --Kapag sumasapit ang panahon ng tag-ulan o -ber months, kada umaga sadyang sobrang lamig talaga ng panahon at ayaw pa talagang bumangon. Kaya karamihan sa mga estudyante, nagkanda-late-late dahil habang kumakain o naliligo, nakapikit pa din. Maliban pa doon, tinatamad pang maligo dahil malamig ang tubig. 

             Tindi mo pa nga eh, naka-aircon ka na nga, may electric fan ka pa. Tapos nakakumot ka. Pero ayaw mo ipapatay ang isa para instant lamig at dire-diretso ang tulog.

5) Pagod.
           --Syempre naman, hindi mawawala ang pagod sa buhay natin. Masakit ang ulo o ang katawan kaya ayaw natin bumangon sa umaga, dahil gusto lang natin magpahinga buong maghapon. Sa kasamaang palad, may pasok ka pa ng alas siyete kaya wala kang choice kundi bumangon.

Papasok muli ang litanya ni Inay:

"Papasok ka ba o hindi? Kanina pa kita ginigising!!"

Odiba.

            Everyday is a new day, ika nga. Ang pagbangon kada umaga ay nagdadala sa atin sa ating future. Today when you woke up, you were only a student; tomorrow when you wake up you are already a somebody. Odiba :) Lagi tayong magpasalamat kay God na ginigising Niya tayo kada umaga, para itama ang mali at abutin ang ating mga pangarap. :)

Kaya gising na! Malay mo artista ka na bukas! :)

Sunday, October 27, 2013

On studies: Bakit mahirap ang Math?

                       Kapag grade school pa lang, isang tingin lang, kayang-kaya sagutan ang Math. Kapag high school, kurap-kurap at pikit-pikit para makasagot. Kapag college, tinginan na lang forever.

                       Mostly sa mga kabataang Pinoy ngayon ayaw ng Math kasi daw mahirap at masakit sa ulo. Eh bakit nga kaya kumplikado at nakakawindang ang Math?

QUESTION:

Bakit mahirap ang Math?

MGA POSIBLENG SAGOT:

1) Naghalo-halo ang letra at numbers sa formula at solution.

            --Habang pataas nang pataas ang level mo, pahirap naman ng pahirap ang Math dahil sa mga nakakaiyak na formula. At kung kumplikado ang formula, malamang kumplikado din ang solution. Example na lang yung mga function, foci, range, slope, at kung ano-ano pa. Masakit pa kung yan ang i-e-exam, sabay-sabay. Isang literal na BRAINSTORM para sayo! :)

Before exam:

"Ok, kaya ko to!"

During exam:

"Pano to?!"

2) Nakakalito.

             --Matindi na ang isang given sa Math kung saan pinagsama-sama na lahat ng mahirap sa mundong ibabaw. May fraction na, may exponent na, may bracket na, may parentheses na, at may decimal ka pa! Tapos maloloka ka na kasi sabi unahin daw ang nasa bracket. Pero mas lalo kang maiirita dahil may exponent pa pala at yun pala dapat ang unahin. Eh kala mo naman whole number yung katabi ng exponent at bracket, eh FRACTION pala yun. Ulit ka ulit. At umulit ka pa. At sige pa. At halabira! Sige lang ulitin mo pa. Malapit ka na sa sagot!

Ayan na ang sagot! NAKUHA MO NA!

Math Error.

CONGRATULATIONS! Maaari ka nang mag-table flip.

3.) Ang haba ng given tapos 0 or 1 lang ang sagot.

              --Eto yung mga nakakapikon na mga problem sa Math, tapos yan lang ang sagot. Gaya nung sa number 2, Math error lang pala. Minsan napapaisip ako pano nakaka-create ng mga ganung problem eh, tapos masu-surprise din yung gumawa na 0 lang yung sagot.

Mathematician: "Whew! I've created this problem for a year! Let me solve it."

After 24 hours..

"WHAAT?! THE ANSWER IS 0?!"

Saklap.

4.)  Complicated version ng addition, multiplication, subtraction at division.

              --Para sakin, nahirapan talaga ako ng husto sa division, lalo na kapag division of rational expressions. With matching exponent pa yun ha. Naloka ako ng sobra dun nung high school.
                 Madali lang ang addition at multiplication, yun nga lang kapag fraction (ang nakakaiyak na lesson sa Math) may cross-multiply and LCD. Sa integers naman kapag subtraction, kailangan palitan ang sign.

Kaya minsan kapag hindi na kaya, sisisihin mo yung mga nag-imbento ng Math.

"Sino ba kasi nag-imbento nito?! Gagamitin ba natin to kapag bibili tayo ng isda?"

--Sinabi mo na yan minsan no? Aminin!

5.) "He gave 1/3 of his land..." "Calculate the distance from Manila to Dagupan." "The car left at 11:45 am, with a speed of 120 km.."

               --Word problems. Kailangan ng critical thinking at intindihan ang problem para masagutan. Yung iba, titingin sa taas tapos magbibilang gamit ang daliri. Yung iba naman ido-drawing para mas maintindihan. Yung iba naman, tinitigan na lang, nangangarap na may lilitaw na sagot.

            Math is part of life. Lahat ng bagay may Math, at hindi yun mawawala. Kung naghahanap ka ng kurso sa college na walang Math, aba'y pasensya na po at wala kang makikita na kurso na walang Math. Eh, nagbibilang ka nga lang ng kita mo eh Math na yun.

           Mahirap ang subject na ito, at mapapatingin ka sa langit para humingi ng gabay at para maintindihan mo yung lesson. Pero hanggang ngayon napapaisip pa din ako, bakit kaya may mga hinahanap na 'x', bakit may slope, range, domain.. Yung mga ganun! Nakalimutan ko na nga yung mga yun eh. Tapos ipa-plot pa sa Cartesian plane. :(

Bakit ganun?!

Wag kamuhian ang Math, aralin ito para ika'y sumikat.

HAHAHA! Odiba, winner ka, dahil pipilahan ka ng mga kaklase mo para magpaturo. :)

QUESTION ANSWERED!

Friday, October 25, 2013

On studies: Bakit masaya ang buhay estudyante?

                  Alam natin na hindi madali maging estudyante. Ang daming ginagawa, pati maglibang nakakalimutan na natin. Pero kahit anong sabihin natin na nakakatamad pumasok, pumapasok pa din tayo dahil naeenjoy tayo sa mga ginagawa natin sa school. Maliban pa doon, marami din tayong mga unforgettable experiences hindi lang sa loob ng school, pati na din sa labas.

QUESTION:

Bakit masaya ang buhay estudyante?

MGA POSIBLENG SAGOT:

1.) Meet new friends.

             --Syempre. Di magiging masaya ang buhay estudyante kung wala ang mga kaibigan mong malakas ang trip. Bigla ka na lang ititisod, itutulak sa crush mo, mangongopya sayo, at habambuhay ka aasarin hanggang sa mapikon ka. At, sama-sama pa kayong mapupunta sa detention dahil sa mga kalokohan niyo, pero masaya kayo dahil pare-parehas kayo sa sitwasyon na iyan.

"Kasalanan mo to eh! Sabi ko naman sayo wag kang tatawa eh! Ayan nasa detention tuloy tayong tatlo!"
"Eh tumawa kasi tong ano eh!"
"Ang baho kaya ng mga utot niyo no! Sino namang hindi matatawa dun?!"

2.) Deadlines.

             --Ang nakakaiyak na deadlines. Lahat na lang paghihirap gagawin mo para lang maipasa ang project mo on time. Yung tipong magpupuyat ka, at papasok ka ng school na mukhang malaki ang pakikipagsapalaran makarating lang sa room niyo. May iba naman dyan, kung kelan naman bukas na ang submission saka palang gagawa. Yan tayo eh. Kapag nalaman naman niya na tapos na yung kaibigan niya:

"Friend, pwedeng pagawa ako? Babayaran kita pramis!"

Pera pera na lang tayo ngayon no. Pero magtatawaran pa yan.

"20 friend!"
"Hoy anong bente? Essay tong pagagawa mo sakin tas bente lang? 100 naman!"

Instamagulang.

3.) Ang mga tao sa mga public transportation.

             --Mapa-jeep, bus, tricycle, f(x), LRT o MRT, hindi talaga mawawala ang ibang fail na pasahero. Napasaya din nila tayo dahil sa mga ginagawa nila na sadyang nakakatawa talaga.

Ito ang ilan sa mga experience ko sa mga public transportation:

1.) May umutot sa Katipunan station.
2.) May isang lalaki na inaamoy ang kili-kili niya gamit ang daliri niya.
3.) May isang magandang babae na nakanganga habang natutulog.
4.) May isang gwapong lalaki na fuchsia pink ang lipstick.
5.) May gwapo ding lalaki na naiwan ang kaliwang sapatos niya pagkapasok ng train dahil sa bugso ng tao.
6.) May isang lalaki na nanonood ng TV sa kanyang phone pero ito maririnig mo: BOOM BOOM!!!
7.) May isang babae na wave ng wave ng buhok niya kahit naka-boy's cut naman siya.
8.) May isang lalaki na feeling guitarista dahil feel na feel niya ang pag-strum kahit wala naman siyang gitara.

Seryoso ako diyan. Minsan ko nang kinagat ang panyo ko pero, no use. Natatawa pa rin talaga ko, kaya laging to the rescue ang cellphone ko, kunwari may katext kahit si Balance Inquiry lang yun para lang makaligtas ako at di mapagkamalang baliw na tumatawa mag-isa.

Pinasaya nila ang buhay ko talaga! Ikaw, ano mga experience mo? Comment below!

4.) Baon.

          --OF COURSE! Caps lock talaga ha. Eh kasi naman, alam ko namang ikaw, gustong gusto mo din ng baon. Syempre, mabibili mo ang gusto mo kapag may dala kang pera. Lalo na kapag kabibigay lang sayo ni Nanay o Tatay. Tapos kahit kasya pa naman yung baon mo sa loob ng dalawang araw, syempre kukurakot ka na sa mga magulang mo para ipon mo na yung iba.

Ganyan mga kabataan ngayon eh, wais!

"Ma, may group study po kami mamaya."
"Sige anak, ito 100, baka kulangin ka."
"Thank you Ma!"

Pero ang group study, nauwi sa kainan. True story.

Kapag walang pasok, wala ka ding baon. Kaya kahit haggard na haggard at tinatamad nang pumasok, inspirasyon ng mga kabataan ang baon. Aminin!

5.) Teachers.

           --Higit sa lahat, hindi mabubuo ang ating kasiyahan kung wala ang ating mga beloved teachers and professors. Sila ang nagbi-build up sa atin sa school at nagbibigay ligaya sa ating mga buhay. Kapag nasipag-
graduate na tayo, mamimiss din natin sila, kahit may iba na kapapasok pa lang 'get 1 whole yellow paper/intermediate paper'. May iba na, ang dami magpa-assignment tas absent kinabukasan. May iba din na ang lakas mag-joke at di na napapansin ng mga estudyante ang oras. May mga cool din na teacher or professor na nakakainspire gayahin.

We love you Ma'am/Sir! :)

--

Kapag nag-reunion kayo, malamang mahaba ang kwentuhan niyo tungkol sa buhay estudyante niyo. At nga pala, Masaya din ang buhay estudyante dahil nakakaiwas kayo sa mga gawaing-bahay. At ang tagasalba, ang mga homework at project.

"ANAK! Maghugas ka naman ng plato!"

(nakita mong gabundok ang hugasan)

"MA! May research paper po ako! Kailangan na po ito bukas!"

"Bakit ngayon mo lang ginagawa?" (Kala mo lulusot ka ha.)

"May isang chapter pa po!" (Kahit next week pa ang submission?)

Ginawa mo din yan no? Aminin!! HAHAHA =))

--

Mahirap mag-aral dahil kada minuto madami kang ginagawa. Pero in the process, masaya din ito dahil nandyan ang ating mga kaibigan para manggulo, ang deadline na naghuhumiyaw sa kalendaryo na pansinin mo naman daw, at kung ano-ano pa. Kapag grumaduate ka na, mamimiss mo din ang lahat ng nasa school niyo. Kaya i-treasure mo ang lahat, at mag-aral ka ng mabuti. :)

Mahabang panahon din ang ginugugol mo sa pag-aaral, pero di ka rin naman habambuhay mag-aaral. Kailangan mo din naman magtrabaho. Kaya i-enjoy mo ang lahat habang nag-aaral ka pa, at wag mo sayangin ang pagkakataon na binigay sayo para ikaw ay makapag-aral. :)

QUESTION ANSWERED!    

Thursday, October 17, 2013

On life: Bakit nakakahawa ang kabaklaan?

              Sa modernong panahon ngayon, dumadami na ang bilang ng third sex, ang mga homosexuals. Mas malaki ang bilang ng mga bakla kaysa sa mga tomboy. Pero, sila ay masaya at masarap kasama, dahil nabibigyan nila ng kulay ang buhay natin. :) At lahat tayo, may kaibigan na homosexual. :) Pero bakit nga ba sila dumadami? Nagtataka din ako eh, pero sa tingin ko, ito ang mga sagot.

QUESTION:

Bakit nakakahawa ang kabaklaan?

MGA POSIBLENG SAGOT:

                1.) Ang mga salitang ginagamit nila ay normal na sa atin.

                     Ekek. Chorva. Eklavu. Chorvaness. Charot. Echos. Chos. Gaga. Chuva. Chenes.

                    Aminin mo, gumagamit ka ng mga ganyang salita, pero hindi mo alam ang ibig sabihin. Nagresearch din ako kung ano ang mga meaning ng mga salitang ito. Ayon sa article ni Tatin Yang, entitled
"Going gaga over gaysay", sa Inquirer,  ang salitang 'chorva' daw ay pwedeng maging subject, verb, predicate, adverb at adjective. Magkakapareho lang daw ang 'chorva, chenes, chuva' at minsan 'chenilyn'. Ayon din sa article na ito, ang word na ito ay substitute sa mga salita na nasa dulo ng dila mo na hindi mo matandaan.

Example:

"Kunin mo nga yung chorva."
"Kelan nga ba ulit pinanganak si chorva?"
"Ang chorva-chorva mo!"

Ayon naman sa article na 'OMG! Nosebleed! Say what?!' sa liveinthephilippines.com, ang 'eklavu' ay kaparehas lang din ng 'chorva'.

--Odiba. Ako, inaamin ko na gumagamit ako ng chorva, at iba pang gay lingo. Lalo na kapag tinatawag ako ng nanay ko kung saang bahay ako pupunta para sa research project.

"Anak, kaninong bahay ka pupunta?"
"Ma, sa bahay po ni chorva!"

Taray ni chorva, may bahay pa. Kaka-lurki! (kakaloka.)

                    2.) Nag-eenjoy ka sa presence nila.

                         Tayong mga babae, natutuwa sa mga kaibigan nating gay, dahil ang galing nila magpatawa, at mabilis makaisip ng mga banat. Kaya yung iba sa atin, na-iinlababo sa kanila. Pero syempre malakas ang impact ng mga gay sa mga lalaki, nakakahawa talaga ang kabaklaan sa hindi ko rin malamang dahilan. May mga lalaki naman na nagsasabi ng mga salitang bakla, pero hindi naman bakla. Don't judge the book by its cover!

                      --Bawat minuto nagiging bentang-benta talaga kapag kasama mo sila! Di ka nila papatulugin dahil sa mga banat nila na nakakatawa talaga! Pero minsan, kahit nagkukwentuhan lang sila, natatawa ka na.

Example:

"Anti, gegetlak akech ng dats kasi purita rose na ang lola. Gibsung na ng makareli."
TRANSLATION: Tita, kukuha ako ng pera kasi poor na ako. Magbigay ka na ng makalakad na.

"Momorchina itez!"
TRANSLATION: Cheap ito!

                  3.) Curiosity kills the cat.

                       Kapag ikaw ay curious, syempre gusto mo nang malaman kung ano ang bagay na yun. Bibigyan kita ng example. Dito sa amin, may kapitbahay kaming lalaking-lalaki noong kabataan niya, kaso lang, may kalaro din siyang bakla, kaya ngayon kapag nakakasalubong ko siya sa daan, naririnig ko na ang tawag sa kanya ng mga tao ay, "Maya", which is, ang bago niyang pangalan. Kung di ako nagkakamali, "Joel" ata ang dati niyang pangalan.

                      Curiosity kills the cat nga.

                 4.) Ang bawat gay ay may kanya-kanyang tatak, at most of the time, nakakahawa talaga kapag ginagaya.

                      True story. Sadyang napaka-creative talaga nila ng bawat isa sa kanila, at ay may kanya-kanya silang tatak sa tuwing naaalala mo ang mga ginagawa nila. Kung hindi ang kanilang mga sinasabi ang nakakahawa, ang kanilang mga kilos at mga tawa ay sadyang nakapagbibigay kulay sa ating mga buhay. Halimbawa na lang yung kaklase ko. Sa tuwing tumatawa siya, grabe talaga! Parang antok na nakakahawa! Masaya i-record yun tapos gagawin mong ringtone! Tapos bigla siyang sisigaw ng 'chaps!' (which means 'panget') Di ako magsasawang pakinggan yun! :)

                 5.) All of the above. HAHAHA! Wala na akong maisip pa, sinakto ko lang sa lima. :) Pero eto na lang, kinakanta namin dati 'to ng kaklase kong babae, ang gay version ng Bahay Kubo.

valer kuberch kahit jutay
ang julamentrax donchi
ay anek-anek.
nyongkamas at nutring
nyogarilyas at kipay
nyitaw, nyotaw, jutani.
kundol, jutola
jopo't jolabastrax
at megajoin-join pa
jobanox nyustasa.
nyubuyax, nyomatis
nyowang at luyax
and around the keme ay
fullness ng linga.

--Di ko matandaan saan ko to nakita, pero natatawa at natutuwa ako sa tuwing kinakanta ko ito. :) Kaka-lurki ulit! :)

                       Sadyang nakakaaliw at nakakatuwa talaga ang mga bading. Nakakamiss din sila sa tuwing hindi mo sila kasama, dahil parang boring kapag wala sila. :) Di man natin naiintindihan ang mga kemer-kemerlu, chorvalu at kung ano-ano pa, naiintindihan naman natin ang nais nilang iparating sa atin. Mahalin din natin sila gaya ng pagmamahal natin sa bawat isa. :)

QUESTION ANSWERED!

Tuesday, October 15, 2013

On life: Bakit hindi natin matanggal ang katamaran?

                    "Eh, tinatamad ako eh." "Mamaya na lang, may ginagawa ako eh." "Kakaupo ko lang eh, ako na naman."

                   "Nay, pagod po ako, sumakit ang katawan ko sa PE namin."
                   "Ano ba ang PE mo, anak?"
                   "Jackstone po, nay!"

                  --Eh bakit nga ba hindi natin matanggal ang katamaran? Sabi ng iba, gusto na daw nilang alisin ang katamaran ngunit sadyang nakakatamad daw talaga. Ha? Osya sya, ating alamin bakit nga ba hindi natin matanggal ang katam. (Katamaran.)

QUESTION:

                Bakit hindi natin matanggal ang katamaran?

MGA POSIBLENG SAGOT:

               1) Masyadong naka-focus ang atensyon mo sa isang bagay kaya wala kang gana gawin ang utos.

                       --True.
 Eto ang mga examples ng mga gawain na sadyang di kayang bitawan:
1.) Candy Crush
2.) DOTA
3.) Watching movies
4.) Social networking sites/internet
5.) Katext ang mga tropa/si crush

                          Ganun talaga eh. Minsan din talaga, sadyang wrong timing ang utos ni nanay. Unfortunately, ikaw ay nasa kalagitnaan ng:

1.) "Nay, saglit lang po. Timer mode ako sa Candy Crush!"
2.) "Nay naman eh, matatalo na po ako! Isa na lang pramis."
3.) "Ma, mabubuhay pa ata si Gnomeo and Juliet! Titingnan ko lang ano mangyayari."
4.) "Ma, may group work po kami at dapat po lahat online. Maya-maya po konti magsisimula na ang aming conference."
5.) "Ma wait lang! Gagantihan ko lang itong mga kaibigan kong tinawag akong tigidigs!"

                          "Ma/Nay, gagawin naman po namin ang utos ninyo.. basta wait lang po."
                           --Ang pambansang sagot ng mga taong nasa alanganin. Laging may 'wait' o 'teka' o kaya naman 'sandali'. Unfortunately, napapatagal ang pag-wait nila, kaya Boysen na ang peg ni nanay. "Habambuhay ako sayo'y maghihintay..." (Wag namang ganun, panigurado sinturon na ang hahabol sayo!)

            2.) Nakakabagot gawin ang utos.

                           --May mga utos talaga na kapag narinig mo pa lang, nakakapanlumo na, kaya katwiran ng iba, tinatamad daw sila. Gaya na lang ng, "Mamalengke ka." "Magwalis ka." "Maghugas ka ng plato." "Magsaing ka." "Magplantsa ka." "Magtupi ka ng sampay." "Maglaba ka na rin." "Ay oo nga pala, magluto ka na rin ng ulam anak."

                           (Ma, teka lang po! Nagbibihis pa lang po ako papunta ng palengke!)

           3.) Sobrang dami ng gagawin, di mo alam kung ano ang uunahin.

                  --Applicable ito sa mga cases na home alone ka sa bahay, at ikaw ay naatasan ni nanay na gawin ang lahat ng gawaing bahay. Yung tipong gagabihin ng uwi ang mga tao sa bahay niyo. Matutulala ka na lang kasi hindi mo alam kung ano ang uunahin mo, magwawalis ka ba, magkukuskos ng sahig, maglalaba, magpapaplantsa, maghuhugas ng plato.. aba'y good luck sa imo day. At ang ending? Uupo ka. Mag-i-internet. Ang saglit mo aabutin ng isang dekada. Darating si nanay. Grounded ka na ng isang buwan, bawas allowance pa.

              4.) Wala kang interes gawin ang isang bagay pero napilitan ka lang dahil utos ni nanay.

                         --Aminin mo! Ayaw mo sa gawaing bahay, di ba? Pero mapipilitan kang gawin ito dahil kapag hindi mo ito ginawa, ihahagis sa Ilog Pasig / babasagin / mamartilyuhin / wawarakin na daw niya ang computer niyo. Dahil mahal na mahal mo ang computer niyo at ayaw mo siyang mawala sa inyo, gagawin mo ang utos ni nanay sa ayaw at sa ayaw mo. :) Oo nga, sa ayaw at sa ayaw mo. Pero no choice ka talaga eh.

              5.) Hihintayin mo na utusan ka ni nanay dahil ayaw mo maistorbo. Try mo din mag-kusa. 

                         --Maaaring madaming school projects, meetings, o sadyang nakakatamad tingnan ang mga gagawin. Kapag natapos ka na sa mga gawain mong gabundok, magpapahinga ka muna at maglalaro ng kung ano-ano sa internet. Pero kapag inutusan ka na, sasabihin mo pagod ka, pero naglalaro ka pa rin ng Farm Heroes. Kaya magagalit sayo si nanay to the highest level, at wala kang choice kundi tumayo. Kung ikaw ay pagod, ikaw ay humiga o umupo, pero hindi ka uupo sa harap ng computer dahil yun nga, warla ang abot mo.

                           Para matanggal ang ating katamaran, try natin magkusa talaga. Tulungan natin si nanay sa bahay! :) Napapagod din siya at hindi naman siya robot. Hindi rin niya kayang gawin ang lahat ng gawaing bahay nang mag-isa. Kaya niya tayo inuutusan ay para alam din natin ang ating mga gagawin sa bahay kapag tayo ay bubuo na rin ng sarili nating pamilya. Tulungan lang tayo sa bawat gawain para iwas gulo sa bahay, iwas bawas allowance, iwas grounded, at hindi malalagay sa bingit ng kamatayan ang minamahal nating si Computer. :D
                         
                          QUESTION ANSWERED!

Monday, October 14, 2013

On love: Bakit ka umaasa?

              Malamang kung sa malamang, umasa ka na rin minsan sa taong gusto mo. Baka hanggang ngayon, umaasa ka pa din, kahit alam mo na wala kang pag-asa. Bakit nga ba kasi tayo umaasa? At bakit nga ba mahirap kontrolin ang damdamin natin?

QUESTION:

              Bakit ka umaasa?

MGA POSIBLENG SAGOT:

             1.) Mahilig kang mag-daydream.

                  --Usually, ang malawak nating imahinasyon ang may kasalanan kung bakit tayo umaasa. Aminin mo, mahilig kang mag-daydream, kaya ka nasasaktan. Iniimagine mo kasama mo si Crush, naghahabulan during the rain, yayakapin ka niya kasi nilalamig ka na, tapos holding hands pa pagkatapos. Tapos biglang magsasalita ang katabi mo ng:

                    "Bayad po! Makikiabot. Isa nga pong Mendiola!"

                    Gising-gising din baka lumagpas. :)
                 
                    Pero, siya ang naisip mo no? :)

             2.) Lahat ng ginagawa niya sa'yo, nagbibigay pag-asa sayo, kahit wala siyang malisya dun.

                  --Well, ganun daw talaga kapag nagkacrush ka or nainlab ka na, simpleng bagay lang na gawin niya, iniisip mo meron na sya agad nararamdaman para sayo. Kahit sabihan ka lang nya ng 'good morning' or kahit anong bati, magugulpi mo na agad ang katabi mo. (At ako lagi ang nagugulpi.) Alam mo kasi minsan, doon ka pa nagkakagusto sa taong taken na, kaya problemado ka sa sarili mo kung paano mo kokontrolin ang nararamdaman mo. Wag kang masyadong assuming, malay mo friendly to the highest level lang ang peg niya. Ikaw din ang masasaktan in the end, bahala ka.

                    (Relate? Oops.)

             3.) Sa tuwing nakikita mo siya, tumataas na naman ang laman ng Asa Bar mo.

                  --You keep telling yourself ayoko na, pero ang damdamin mo ba, sumasang-ayon sa kagustuhan ng utak mo? (Emote.) Pero di nga. Sa tuwing nakikita mo o nakakausap mo siya, nakakalimutan mo yung pangako mo sa sarili mo na ititigil mo na yang "pag-asa" mo. Ganito lang yan eh.

Sabi mo, gusto mo na mag-diet. Pero nakita mo ang paborito mong pagkain, kaya sasabihin mo:

"Bukas na nga lang ako magda-diet."

Sabi mo, gusto mo na siyang kalimutan. Pero nakita mo na naman siya, at nakausap pa. Kaya ito ang sasabihin mo:

"Bukas na nga lang, seryoso na talaga ako. Susulitin ko muna ito."

Pustahan tayo, bukas ganyan pa rin ang sasabihin mo. Copy paste.

              4.) Ang mga kaibigan mong nagpapaasa.

                  --Haay. Friends. Aasarin ka nila nang aasarin ng 'yiiiee', 'achuchu', 'ajugujugu' at kung ano-ano pang salita na pwedeng ipang-asar sayo ang ibabanat nila kaya aasa ka na naman ng sobra. Hindi ka nga pinapaasa ng taong mahal mo, ang mga kaibigan mo naman ang naguudyok sayo umasa. Pero wag ka, pag nasaktan ka ng bongga, they will never leave your side.

                     Kahit paulit-ulit ang crisis mo sa pag-ibig, di naman sila magsasawang makinig sayo. :) Ang ipapayo pa nila:

                     "Okay lang yan, friend. There is always a rainbow after the rain. We love you friend!"

                     Eh tapos mas halata pa sila kaysa sa yo. Okay, kainin na lang sana ako ng lupa kapag nalaman ni crush ang totoo.

              5.) "I've got a crush on you, I hope you feel the way that I do.."
                   "Am I crazy or falling in love, is it really just another crush?"

                  --Nagdesisyon ka na. Kakalimutan mo na siya. Tapos nagplay bigla sa playlist mo ang mga kantang ito. Yep, ang mga kantang nanadya sa oras ng iyong pag-eemote kaya, babalik ka sa number 1. Cycle lamang, hindi ba?

                     Dapat kung sa tingin mo eh, walang saysay ang pag asa mo, dapat ganito ang mga kantang sasakto sa iyo:

                     "There's something 'bout love that breaks your heart.."
                     "..it's reckless and clumsy, 'cause I know you can't love me.."

At ang the best:

                    "Bakit, kahit na nasasakta'y lumalapit.."

                     At sabayan pa ng maulang panahon, umupo sa may bintana, kumanta, at voila!

                     Instant music video, instant emote. :)

                     I know it's hard to control feelings, pero you know, may mga limits din tayo.
                   
                     At kung aasa ka, wag na dun sa taken, dun na lang sa single.
                     Pero kung yung single sabi sayo na wala talaga...


                     Alam mo na! :) (hard!)
                     De, hintayin mo lang siya, darating din siya.

                     Pagdating ng panahon. Baka ikaw rin at ako. Baka tibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo. Sana nga'y mangyari yon.

                    QUESTION ANSWERED!

On studies: Bakit may nangongodigo?

Ito ay isang malaking tanong para sa mga estudyante kung bakit sila nangongodigo kada quiz at exam, at bakit nila ito paulit-ulit na ginagawa. At babasahin mo ito dahil may kilala kang nangongodigo. (May naisip siya agad oh. HAHAHA!)


QUESTION:


Bakit ka nangongodigo?


MGA POSIBLENG SAGOT:


1.) "Napakadaming terms! Dapat ko ba talagang matandaan kung kailan pinanganak, saan pinanganak, ano ang nagawa niya bakit siya naging popular, bakit pinatay at kailan pinatay si Alexander the Great?"


--Alam mo hindi ko rin alam eh. Maski ako mahihirapan tandaan lahat nang iyan. Usually, sa subject na History nalalagot ang karamihan sa mga estudyante. Maliban sa madami na ang terms, mahirap pang bigkasin. Kaya naman karamihan sa mga estudyante, gagawa na lang ng kodigo para madaling matandaan. Sa mga exam pa naman uso ang 'wrong spelling is wrong.' Kasi kahit isang letra ipaglalaban mo sa teacher mo kasi sayang ang isang point. Kaya kodigs kodigs na lang.

Kilala mo ba si Quetzalcotl? Eh si Huitzilopochtli? Binabasa mo pa lang gamit ang iyong mata, nahihirapan ka na. Sila po ay mga Aztec gods, na pinag-aaralan natin sa World History. And take note, hindi lang po si Alexander the Great ang character sa History, marami pa yan. Pustahan tayo, nahirapan ka na sa Philippine heroes, magsasama pa ng foreign gods, forbidden places, at kung ano-ano pa. Pero lahat nang iyan, matatagpuan sa kodigo ng isang estudyante, kung sila'y gumagawa ng kodigo. Nakakaiyak at nakakadugong memorization.


(NAY! Kailan ka nga po ulit pinanganak?)



2.) "Nahihilo na ako sa formula dito sa Chemistry, Physics at Math! Kasi naman eh, eto pa namang tatlong 'to ang exam ko mamaya! Lord, please help and guide me.."


--Tapos look to your left, look to your right for more infomation ang ending. Kung takot mahuli, kodigo ang solusyon ng iba. Ang formula sa Chemistry, Physics, at Math, ay sadyang nakamamatay.


Sample problems:


Sa Chemistry: Convert Celsius to Fahrenheit.

Sa Physics: Find the initial and final velocity of the car from your house to the market.

Sa Math: Find the bearing of the boat.


Masakit pa kung sabay-sabay sila ng exam, gaya ng nabanggit. Ang iba kung ganito ang sitwasyon, color-coded ang kodigo para hindi nakakalito. Pero ang iba, stick to one kodigs, para di mahuli. Be resourceful lang ang peg, at para tipid".


3.) "Tinatamad ako aralin 'to. Madami pa akong exam bukas, hindi lang naman yan. Bahala na nga lang."


--Dito naman, baka sadyang hindi lang talaga hilig ng estudyante ang subject na tinutukoy niya. Kaya ang gagawin niya, kodigo na lang para kahit di na mag-aral, sure win na. Unfortunately, may mga cases na ganito:


"Teka, ano ba ito, "a" o "o"?! Seatmate, pakopya naman o. Di ko maintindihan sulat ko eh."


4.) Kinagabihan: "Okay, ready na ako sa exam bukas!"

Kinabukasan: "Hala! Sino nga ulit pumatay kay Jose Rizal? Ay, maaalala ko din yun mamaya pag exam na."


....


"Ba yan. Hahabol na lang ako! Last minute! WOO! Baka di ko talaga maalala eh."


--Mental block. Kung sa una pa lang, tingin ng estudyante makakalimutan na niya ang isasagot sa exam, gagawa siya ng last-minute kodigo. Sa kasamaang palad, dito magkukulang-kulang ang mga terms at detalye na sadyang mapapakamot ulo siya.


TIP: Kung ang subject na inyong aaralin ay maraming terms, basahin ito a week before the exam, para di mahirapan the night before the exams. Mental block at kamot ulo talaga ang resulta kung a night before the exams pa lang kayo magsisimulang mag-aral.


5.) "Okay! Isang subject na lang aaralin ko, makakatulog na ko. :)"

Unfortunately, di pa siya nakakausad ng dalawang pages, nakatulog na.


--Dahil pagod na ang isang estudyante mag-aral pa ng isang subject dahil sa dami na ng information na nakalap niya, gagawa na lang siya ng kodigo para matapos na.




Reasons:
1.) "Pagod na ako."

2.) "You do not have enough storage capacity. Delete some items?"


There you go! :) Ang limang pangunahing dahilan kung bakit nangongodigo ang isang estudyante.


Para maiwasan ito, basahin araw-araw ang mga notes para hindi mahirapan sa pag-aaral. Dahil, the more na inuulit mong basahin, the more na matatandaan mo ito. :) Proven ito! :)



Iwasan ang kodigo nang hindi ka bumingo.


Remember: Honesty is the best policy! :)

QUESTION ANSWERED!

Sunday, October 13, 2013

On this blog: Bakit mo binuksan ang blog na ito?

           Oo nga, bakit mo nga ba binuksan ang blog na ito? Marami ang pwedeng sagot dyan. Maaaring ikaw ay curious gaya ng title ng blog na ito, o kaya naman nahihiwagaan ka kung anong meron dito. HAHAHA. (Parang iisa lang yon ah.) O kaya naman, nadaanan mo lang.


          Bakit ko ginawa ang blog na ito? May mga bagay kasi na naku-curious ako bakit ganun yun, ganto yan, at sadyang napapatanong talaga ako ng 'bakit'. At saka, gusto ko lang magkaroon ng karamay sa mga tanong na sumasagi sa isip ko, malay mo, parehas pala tayo ng iniisip. :) Bakit, bakit?


          Ang mga tanong dito ay maaaring tungkol sa buhay-buhay, pagkain at kung ano-ano pang mga bagay na sadyang nakapagtataka talaga.


          Lahat ng bagay, may katanungan. At ang pambansang tanong ay: BAKIT. Bakit ka ganyan? Bakit mo ako mahal? Bakit ako maitim? Bakit ako ganito? Bakit ko iyon ginagawa?


At higit sa lahat..


Bakit ang dami kong tanong?


Hmm.. okay na yan, ayaw ko nang pahabain pa. :)


 Let's put the curiosity mode: ON. :D


Sana ma-enjoy mo ang blog na ito! :D Salamat! :)


--The Curious Blogger,

NICOLE. :)