"Eh, tinatamad ako eh." "Mamaya na lang, may ginagawa ako eh." "Kakaupo ko lang eh, ako na naman."
"Nay, pagod po ako, sumakit ang katawan ko sa PE namin."
"Ano ba ang PE mo, anak?"
"Jackstone po, nay!"
--Eh bakit nga ba hindi natin matanggal ang katamaran? Sabi ng iba, gusto na daw nilang alisin ang katamaran ngunit sadyang nakakatamad daw talaga. Ha? Osya sya, ating alamin bakit nga ba hindi natin matanggal ang katam. (Katamaran.)
QUESTION:
Bakit hindi natin matanggal ang katamaran?
MGA POSIBLENG SAGOT:
1) Masyadong naka-focus ang atensyon mo sa isang bagay kaya wala kang gana gawin ang utos.
--True.
Eto ang mga examples ng mga gawain na sadyang di kayang bitawan:
1.) Candy Crush
2.) DOTA
3.) Watching movies
4.) Social networking sites/internet
5.) Katext ang mga tropa/si crush
Ganun talaga eh. Minsan din talaga, sadyang wrong timing ang utos ni nanay. Unfortunately, ikaw ay nasa kalagitnaan ng:
1.) "Nay, saglit lang po. Timer mode ako sa Candy Crush!"
2.) "Nay naman eh, matatalo na po ako! Isa na lang pramis."
3.) "Ma, mabubuhay pa ata si Gnomeo and Juliet! Titingnan ko lang ano mangyayari."
4.) "Ma, may group work po kami at dapat po lahat online. Maya-maya po konti magsisimula na ang aming conference."
5.) "Ma wait lang! Gagantihan ko lang itong mga kaibigan kong tinawag akong tigidigs!"
"Ma/Nay, gagawin naman po namin ang utos ninyo.. basta wait lang po."
--Ang pambansang sagot ng mga taong nasa alanganin. Laging may 'wait' o 'teka' o kaya naman 'sandali'. Unfortunately, napapatagal ang pag-wait nila, kaya Boysen na ang peg ni nanay. "Habambuhay ako sayo'y maghihintay..." (Wag namang ganun, panigurado sinturon na ang hahabol sayo!)
2.) Nakakabagot gawin ang utos.
--May mga utos talaga na kapag narinig mo pa lang, nakakapanlumo na, kaya katwiran ng iba, tinatamad daw sila. Gaya na lang ng, "Mamalengke ka." "Magwalis ka." "Maghugas ka ng plato." "Magsaing ka." "Magplantsa ka." "Magtupi ka ng sampay." "Maglaba ka na rin." "Ay oo nga pala, magluto ka na rin ng ulam anak."
(Ma, teka lang po! Nagbibihis pa lang po ako papunta ng palengke!)
3.) Sobrang dami ng gagawin, di mo alam kung ano ang uunahin.
--Applicable ito sa mga cases na home alone ka sa bahay, at ikaw ay naatasan ni nanay na gawin ang lahat ng gawaing bahay. Yung tipong gagabihin ng uwi ang mga tao sa bahay niyo. Matutulala ka na lang kasi hindi mo alam kung ano ang uunahin mo, magwawalis ka ba, magkukuskos ng sahig, maglalaba, magpapaplantsa, maghuhugas ng plato.. aba'y good luck sa imo day. At ang ending? Uupo ka. Mag-i-internet. Ang saglit mo aabutin ng isang dekada. Darating si nanay. Grounded ka na ng isang buwan, bawas allowance pa.
4.) Wala kang interes gawin ang isang bagay pero napilitan ka lang dahil utos ni nanay.
--Aminin mo! Ayaw mo sa gawaing bahay, di ba? Pero mapipilitan kang gawin ito dahil kapag hindi mo ito ginawa, ihahagis sa Ilog Pasig / babasagin / mamartilyuhin / wawarakin na daw niya ang computer niyo. Dahil mahal na mahal mo ang computer niyo at ayaw mo siyang mawala sa inyo, gagawin mo ang utos ni nanay sa ayaw at sa ayaw mo. :) Oo nga, sa ayaw at sa ayaw mo. Pero no choice ka talaga eh.
5.) Hihintayin mo na utusan ka ni nanay dahil ayaw mo maistorbo. Try mo din mag-kusa.
--Maaaring madaming school projects, meetings, o sadyang nakakatamad tingnan ang mga gagawin. Kapag natapos ka na sa mga gawain mong gabundok, magpapahinga ka muna at maglalaro ng kung ano-ano sa internet. Pero kapag inutusan ka na, sasabihin mo pagod ka, pero naglalaro ka pa rin ng Farm Heroes. Kaya magagalit sayo si nanay to the highest level, at wala kang choice kundi tumayo. Kung ikaw ay pagod, ikaw ay humiga o umupo, pero hindi ka uupo sa harap ng computer dahil yun nga, warla ang abot mo.
Para matanggal ang ating katamaran, try natin magkusa talaga. Tulungan natin si nanay sa bahay! :) Napapagod din siya at hindi naman siya robot. Hindi rin niya kayang gawin ang lahat ng gawaing bahay nang mag-isa. Kaya niya tayo inuutusan ay para alam din natin ang ating mga gagawin sa bahay kapag tayo ay bubuo na rin ng sarili nating pamilya. Tulungan lang tayo sa bawat gawain para iwas gulo sa bahay, iwas bawas allowance, iwas grounded, at hindi malalagay sa bingit ng kamatayan ang minamahal nating si Computer. :D
QUESTION ANSWERED!
No comments:
Post a Comment