TuneList - Make your site Live

Friday, November 8, 2013

On Mrs. Napoles: Bakit hindi niyo po alam?

            The truth will set you free.

            Napanood ng buong sambayanan kahapon ang pagdinig ni Mrs. Janet Lim Napoles sa Senado tungkol sa pork barrel scam. Pero sadyang nakakadismaya ang mga sagot niya na 'hindi ko alam' 'hindi ho' 'I invoke my right' sa tuwing tatanungin siya ng mga senador. At sa bawat tanong, lagi akong nag-eexpect ng sagot na matino mula sa kanya. Sa tuwing tatanungin naman siya ni Sen. Guingona, lagi na lang 'hindi ko ho alam sa kanila' ang sinasabi niya.

           Kapag sinabi naman niya muli ang, 'hindi ko alam', pina-confirm naman ni Sen. Guingona kay Benhur Luy kung totoo ang sinasabi ni Mrs. Napoles. Sabi ni Benhur Luy at ng iba pang whistleblower, 'nagsisinungaling po siya' at ayaw talaga niya umamin. Maliban pa doon, sa tuwing tatanungin siya at yes or no lang ang sagot, ang tagal tagal niyang sumagot, kakausapin pa ang mga attorney niya.  Tinanong din siya ng Blue Ribbon Committee na kung sinasabi ni Mrs. Napoles na sinungaling ang mga whistleblower niya. Pero mukha bang magsisinungaling ang mga whistleblower?

          Sa simula pa lang, siya ang nag-request ng executive session, tapos during the process, hindi rin naman niya sasabihin ang totoo. Tinutulungan na siya ni Benhur Luy na umamin, ayaw pa rin niyang gawin. Tama si Sen. Miriam, umamin na siya ngayon na, pero wala eh. "I invoke my right" na naman sinabi niya. Para saan pa ang executive session?

UNDER OATH

         Paulit-ulit na sinasabi ng mga senador na 'You are under oath.' at tatango siya. Ngunit sa susunod na tanong, ang sagot niya, 'hindi ko po alam' 'wala po akong kinalaman diyan'. Parang 70% ng mga sagot niya yan at yan lang ang sagot niya. And yes, para sa akin, wala akong nakuha kay Mrs. Napoles. Imposible naman na hindi niya alam kung bakit tumakbo ang asawa niya dati sa isang partylist. Imposible din na hindi niya alam ang trabaho ng mga kapatid niya. Sabi niya, nasa BIR na daw ang kaso, sana ma-broadcast din yun at doon niya sabihin ang lahat.

        Umaasa ang lahat, ang buong bansa, na aamin na siya. Pero wala. Kung sinabi lang sana niya ang totoo
kahapon, hindi na magtatagal ang kasong ito. Kung tatawagin siya muli sa Senado, sana naman may makuha na kami sa kanya.

       Sinabihan muli siya ni Sen. Miriam at ng iba pang senador na, "reveal the truth, the WHOLE truth, and nothing but the truth," but nothing came out, hanggang sa matapos ang hearing.

       Sayang lahat ng hirap ng mga taong nakapaligid kay Mrs. Napoles. Gumastos ang PNP ng malaking halaga para lang mai-transport siya. Tapos, "hindi ko alam" ang maririnig nating lahat? Ang oras ng Blue Ribbon Committee, sinagot niya lahat ng tanong nila sa "hindi ko alam". Si Sen. Miriam na may sakit, pumunta sa Senado para sa kanya, ang sagot pa rin niya, "hindi ko alam"?

Bakit ho, hindi niyo alam? Nandyan na ho lahat ng detalye, isinalaysay na ng mga whistleblower ninyo.

       Denying is not helping.

       Sa susunod na hearing, sana naman makuha na ng buong sambayanan ang hinihingi naming sagot mula kay Mrs. Napoles. Sana ay magsalita na siya.

       Dumating na ang Super Typhoon Yolanda, ayaw pa rin niya tuldukan ang issue ng pork barrel scam.

       Inuulit ko po, THE TRUTH WILL SET YOU FREE.

       Maraming salamat po.

No comments:

Post a Comment